not too religious (SLOTH)
<’> Sa impyerno nyo ko dadalhin.
<.–.> Sigurado ka na dyan?
<’> Oo… kahit hindi ako naniniwala sa impyerno.
<’>… Pero ‘wag kang mag-alala, dahil wala akong pakialam!
<.–.> Hindi ka naniniwala sa impyerno, pero tingin mo doon
ka babagsak.
<.–.> Paano nangyari ‘yon?
<’> “Nasusulat”
<’> Alam ko ang nilalaman ng bibliya. <’>.. <’> Sinubukan na kitang hanapin doon noon. <’> Baka ‘kako sumulpot ka. <.–.> Talaga? haha… <.–.> Kahit papano e pwde ka rin palang respetohin. <.–.> Marami kasing puro tanong lang, hindi naman naghahanap ng sagot sa tamang lugar. <.–.> Tapos bigla na lang susuko at sasabihing hindi naman ako totoo! <.–.> Yung mga ganoong klase ng “matatalinong” tao ang masarap balutin ng lumpia wrapper at ilublob sa kumukulong apoy! <.–.>..
<’> Hindi mo ko maloloko. <’> Patay na ‘ko… ayon sa Bibliya, natutulog alng dapat ako ngayon. Walang kamalayan, kahit ano. <’> Pangalawa, hindi ito ang oras ng paghuhukom. <’> Walang aakyat sa langit o bababa sa impyerno hanggng hindi pa ang Muling pagbabalik <’> Pangatlo– <.–.> HAHAHAHA!!! <’> Anong nakakatawa? <.–.> Ikaw <.–.> Hindi ko alam kung na-jet lag ka o ano! <.–.> Hindi ako si Satanas, o si Lucifer, o si Beelzebub o si Lex Luthor! <’> Tama na! <’> Wag mo na akong paikutin. <.–.> BWAHAHAHA!!!!! <.–.> Nakakaaliw ka talaga! <.–.> Oops, sorry! <.–.> Baka dahil tumawa ako nang ganyan, lalo mong ipagpilitang demonyo ako. <.–.> Hehehe… <.–.> Ayusin na lang natin ito… <’> Hindi ako nakikinig sa’yo! <.–.> sige, tutal hinihingal pa naman ako sa katatawa, papahinga muna ako. <.–.> Game! <.–.> Ganito, tutal ayaw mo naman akong sambahin, ibabalik na lang kita sa lupa sa dati mong panahon, pero may ibang buhay at katawan, para patunayan sa’yong hindi ako ang Diablo. <’> Para ano? <.–.> Para mas maintindihan mo ang bagay-bagay. <.–.> Pangalawang pagkakataon. <.–.> Para sa pagbalik mo dito, handa ka na talaga at malinaw na ang lahat. <’> Maibabalik mo ba ako sa panahon na maganda pa ang takbo ng buhay ko at hindi pa huli ang lahat? <.–.> Oo naman! Alangan namang ibalik kita sa lupa nang selyado na sa ataul ang katawan mo! <.–.> Hehe, loko ka pala eh! <.–.> Ganito ang gagawin natin, sabihin mo lang “GO!” at ibabalik kita sa lupa sa isang kisapmata. <’> At ano ang kapalit–ang kaluluwa ko?? <.–.> At ano naman ang gagawin ko sa kaluluwa mong may anghit? <.–.> Masyado kang mapraning! <’> Sandali, bigyan mo ko ng magandang dahilan para paniwalaan ka. <.–.> Uhmmm. sabihin na nating Diyos ako. <’> Hindi ka Diyos. <.–.> Diyos ko po! <.–.> Ako ang Diyos… magkukulitan pa ba tayo? <’> Kung ikaw ang Diyos, ibibigay ko na lang sa demonyo ang kaluluwa ko. <.–.> Walang problema. <.–.> Ayaw mo talagang ipagkatiwala sa akin ang kaluluwa mo ha! <.–.> Play safe ka masyado! hehehe. <.–.> Hindi ka naniniwalang Diyos ako. <’> Hindi ka mapagkakatiwalaan, ,’> Walang katotohanan ang sinasabi mo. <.–.> Pero paano kung mali ka sa pag-aakalang hindi totoong hindi ako ang hindi nagsasabi ng walang katotohanan…akin na ba ang kaluluwa mo? <’> Iyong-iyo na! <’> Tutal hindi naman ako naniniwala sa’yo o sa kaluluwa! <.–.> BWAHAHAHA!!! <.–.> Deal? <’> Deal. <.–.> Cool! <.–.> hehehe. <.–.> Ngayon din ay magbabalik ka sa lupa. Makikita mo na lang ang sarili mo na taimtim na nagbabasa ng katapusan ng di maintindihan at walang kwentang blog ng kaibigan mo. <’> GO! -end-

Leave a Reply