not too religious…(ENVY)

Paboritong Libro ni Jantri

I do not know if all of you guys are familiar with this series of conversation. I read it last night, and again I found myself weeping in awe and in laughter. Got this one from a black book called “ Paboritong Libro ni Hudas“, which happens to be my all time favorite book. This week, I want to share this seven-part installment (with each being named after a capital sin). Spare some time to read, and take the lore out of it.

 

 <’> PATAY NA ‘KO??!?
<.–.> Ilang beses mo bang narinig ang ‘oo’?
Kung may bayad ang bawat tanong, mayaman na ‘ko.
<’> Totoong patay na ‘ko???
<.–.> Bawal magsinungaling dito.
<’> Pero bakit…
<’> Sino’ng…
<’> Asaan ako?
<’> Sino ka?
<.–.> Patay ka na.
<.–.>Nasa lugar ka ng mga patay.
<.–.> Receptionist ako sa lugar ng mga patay.
<.–.> May tanong ka pa?
<’> .
<’>…
<’> Paano na ang mga anak ko?
<.–.> H-hindi ko naman talaga gustong–
<.–.> Maayos ang buhay nilang lahat. Nagpakasal ulit
ang asawa mo.Nasa amerika ang bunso mo. At kapapanganak
lang sa ikatlo mong apo satuhod kanina habang nagsasalita ka.
<’> HUH??!?!
<’> Kakamatay ko pa lang ah?!?
<.–.> Mag-iisang oras ka na dito.
<’> Alam ko!?
<.–.> Dito… pero sa lupa, higit apat na dekada ka
nang patay
<’> Pa’no nangyari ‘yon?
<.–.> Ang isang araw dito, isanlibong taon sa lupa.
2049 na. Kung binabasa mo yung handout na ibinigay sa’
yo sa halipna tanong ka nang tanong, kanina pa dapat
malinaw sa’yo ang lahat.
<’> Pero…hindi…niloloko mo ba ‘ko??
<.–.> Minsan gusto kong sumagot ng ‘oo’ pag
tinatanong ako ng ganyan.
<’> Pero…bakit paanong???
<.–.> Tingnan mo.
<’> Ano ‘yan?

<’> ….
<’> Huh?
<’> Saan yan?
<.–.> Sa Pilipinas.
<’> E bakit ganyan ‘yan? Sino yan?
<.–.> Si MArvin.
<’> Marvin?
<.–.> Marvin. Marvin Agustin.
<’> Yung artista? Matanda na? Anong ginagawa nya
dyan?
<.–.> Presidente siya ng bansa mo.
<’> Huh??!
<.–.> Ayos naman ah! Gusto ng siya ng mg tao eh.
<’> E sino yan-asawa niya?
<.–.> Saan?
<’> Ayan, sa kanan.
<.–.> Ah, vice presidnt niya ‘yan.
<’> Sinong naging vice president??
<.–.> Si Tootsie Guevarra, Yung magaling kumanta.
<’> Huh?!?!
<.–.> Anong “huh??!” Ayos nga sila e. Inahon nila ang
 ’Pinas sa kahirapan.
<’> Anong ibig mong sabihin?
<’> Nasaan na si GMA?
<.–.> Matagal nang wala si Macapagal.
<.–.> 2049 na. Wala nang utang ang Pilipinas sa
ibang bansa!
<’> Talaga?
<.–.> Hay naku! Wala ka pala talagang alam e. Balik
na ulit ang Pilipinas sa mapa. Mayaman at respetado
na ulit ang bayan mo.
<’> Talaga? hehe…
<.–.> Oo, ang ingay mo kasi kanina e. di ko nga
masyadong naintindihan yung speech ng Papa sa
Roma…papapanoorin dapat kita.
<.–.> Pilipino ang bagong Papa.
<’> Huh?
<.–.> Nanonood ka ba ng MTV?
<.–.> Ng That’s entertainment?
<’> Hindi rin. Bakit?
<.–.> E hindi mo pala kilala.
<’> Sino?
<.–.> yung bagong Papa.
<’> Anu bang pangalan?
<.–.> Pope Rose I
<.–.> hindi ‘yon ang totoo niyang pangalan, pero
artista siya dati.
<.–.> Donita Rose ata yung screen name nya e.
<’> Si Donita Rose??? Yung VJ-naging pope???
<.–.> Oo-galing no?
<.–.> Nga pala, alam mo ba ngayong pwede na
mag-asawa ang pari?
<’> Huh?
<.–.> Pwede na, basta madre lang ang mapapangasawa,
para hindi raw lumabas ang pera ng simbahan, Ayos, ‘no?
<’> …
<.–.> …
<’> TV? Anong meron?
<.–.> Telenovela.
<’> Huh? MERON PARING TELENOVELA HANGGANG NGAYON?
<.–.> Uy, mas maganda na ngayon ang mga telenovela kesa
nung kapanahunan mo. Nasa Puso ko, Ikaw ay Akin, Mahal
na Mahal, Tayo ay iisa, Mahal Kita, Sa Piling Mo, lumayo ka Man,
Tunay na Mahal, tayong Dalawa, Mahalin Mo Ko, Tanging Ikaw
lang, Pagmamahalan Natin, ikaw at ako… nalaimutan ko na
yung iba e, pero magaganda mga kwento nyan!
<’> ‘Yan ang programa ngayon? ARAW-ARAW??!?!
<.–.> Araw-gabi. Saya nga eh! <’> Walangya! *Tanging Yaman*
<’> Ano ba yan… Bakit laging tumutugtog ang Tanging
Yaman? Kanina ko pa naririnig yane, paulit-ulit!
<’> At saka nagkakalimutan, marami akong tanong sa ‘yo
ah, bakit ayaw mong sagutin?
<’> At sino ka ba???
(1/7) itutuloy…

~ by jantri on July 18, 2008.

4 Responses to “not too religious…(ENVY)”

  1. jan, dili mabasa ang taas na lines! peke! hahahh..

  2. Hello… nice blog you got here… I have a new developed software for you… and I have provided a demo… visit my blog now!

  3. haha. mao. sory wa nkta. wa naedit.

  4. i am actually reading the same book ..

Leave a Reply